May palaka sa kalsada namin kanina
Hinanap ko - hinanap ko
Palinga-linga
Nakita ko.
Nasa ilalim ng gulong ng kotseng pagong
Tinanong ko;
Anong ginagawa mo rito?
Puno na ang ilog - ika nito
Sinong nakatira? - tanong ko
Si Coke, Si Pepsi at Mamang Ar-si -
Umurong ang pagong
Ang ulo nasa may sakong
No comments:
Post a Comment