There are thoughts that needs to stay as such and then there are ones that you want to shout your heart out with.. These are mine..
Friday, May 16, 2008
May Palaka sa Kalsada Namin
Ang Pomada ni RIzal
Buhok mo'y kay tigas
Humuhubog- humuhubog
istayl mong jumejeprox
Astig - Walastik - Petik
Bangis - Bagwis - Ekis
Nalito na't nilamon ng bagong panahon
Nalto na't nilamon ng bagong panahon
Si Rizal noon
Si Bamboo ngayon
Umaapaw - Lakas hataw
Todong lakas
Sinabi niyang lugar niya yan
Sinabi niyang tabi
Nasan ang tagalinis ng dumi?
Kasama ni Rizal sa tabi ni Mabini
Sunday, April 27, 2008
Katorse
Unang Yugto
Alas-singko ng umaga at tumitilaok nanaman ang manok ni Mang Hernan.
Pupungas pungas pang bumangon si Poy. Masakit pa ang katawan mula sa pag kakarga ng mga gulay kagahapon. Pero ganon talaga eh. Walang magagawa kundi bumangon, sa araw-araw nalang na ginawa ng Diyos. Gising-Trabaho-Tulog. Gising-Trabaho-Tulog. Paulit-ulit…pero wala siyang magagawa…wala siyang karapatang magreklamo.
Sa edad na katorse ay mulat na siya sa kahirapan, alam niyang salat silang maganak at siya lang ang kakayod para sa Nanay at kapatid niya. Kung mamasdan siya mula sa likod ay aakalain mong isa nang mama. Napigil na nga yata ng mabibigat na sako ng gulay ang paglaki niya, tuloy panay ang kantyaw sa kaniya ng mga ka-batak na punggok daw siya. Di niya nalang pinagiinintindi, sinasabi nalang niya na “hayaan niyo! Pagtule na ako makikita niyo mas matangkad pa ako sa inyo!”
Tuluyan nang nawala ang antok niya nang narinig niya ang pagunat ng kapatid na si Minggay. Kinuha niya ang initan, pinuno ng tubig at isinalang na. Maya-maya pa ay lumabas na si Minggay “gooood morniiing kuya!!” sabay ngisi nito sa kanya. Natawa nalang si Poi sa hitsura ng kapatid; bungi-bungi ang mga ipin pero ngisi parin. “Sira ka talaga, ang aga aga may sapak ka.” “eh bakeht? Cute naman!” habang nakapostura at aale-alembong ang beywang. “may kyut bang bungal? Hahahahhaha” “Bleh!!!” ismid ng nagtataray na si Minggay.
Ika-lawang Yugto
Tumatagak-tak na ang pawis niya sa bigat ng pasan-pasang sako ng patatas. Limang sako pa; Minsan napapaisip siya, saan niya nakukuha ang lakas na bumuhat ng pagkarami-rami at pagkabigat-bigat na mga sako. Apat nalang; Naalala niya ang kapatid niyang si Minggay. `yong kapatid kong `yon…kahit hirap na di pa magsasalita. Kahit inaapi na di parin umiimik. Pag `yon sinaktan nila kahit sino tataluhin ko; Ang Nanay niya nalulong sa rugby. Araw-gabi paghithit ang inaatupag; Dati naman di ganon `yon nagtitinda pa nga `yon ng barbikyu sa may traysikelan simula lang nung iniwan kami ni tatay at sumama sa bugaw ng pink plaminggo dun na nagadik. Si Tatay, hindi…yung demonyo. Tatlo nalang. `yung gagong yun. Iniwan niya kami. Iniwan niya si Nanay para sa huklubang bugaw na `yon! Bakit?? Porke’t mapera at masusunod ang bisyo niya! PUTANGINA NIYA! Dalawa. Gusto kong yumaman. Yung tipong sa sobrang yaman sasambahin ka ng tao…sasambahin ako ni Aling Elsie dahil mababayaran na namin ang lahat ng utang sa tindahan niya, sasambahin ako nung pulis na nagaalaga sa amin dahil palalamunin ko siya ng pera. Tapos t-tapos pagaaralin ko si Minggay dun sa eskwelahan na nakikita ko sa t.b tapos ako rin! Magaaral din ako para walang mangmamata sakin. Magaaral ako at ipapamukha ko sa hayup na `yon na `di namin siya kailangan nila Nanay! Na nagkamali siya nung iniwan niya kami! Isa nalang. Kelan kaya? Kelan kaya?...
Pumunta na siya kay Kabo para kunin ang sweldo niya sa araw na `yon. “Kabo otchenta lang? Baka pwede naman pong dagdagan niyo kahit bente lang naka sampung sako naman po ako ngayon e,” “Sapat na yan.” “Sige na naman ho o,” “Wag ka nang makulit at madami pang nakapila.” “Sige na ho Kabo, ang gwapo pa naman niyo ngayon” “Wag mo na kong bolahin at di yan tatalab sakin.” “Sige kayo Kabo pag nalaman ni Ate Isay na Kuripot kayo baka bastedin kayo nun!” “o siya siya sige na eto singko lang! Sapat na yan!” “Tengkyu Kabo! Da Best ka talaga!” Kumaripas na siya ng takbo at pasimpleng kinuha ang supot ng gulay na kanina pang panaka-naka niyang pinupuno. Ayos nang apat na piso bawat isa! Ayos na ayos may pambili `nakong sakto!
Ikatlong Yugto
Ano kayang mabiling ulam ngayon? Nakarami ako kanina, akalain mong bilin ng ale yung buong supot ko ng trenta'y singko pesos! Dyakpat! Sinuyod niyang maigi ang bangketa dahil doon mura na masarap pa! May tokneneng; paborito ni minggay. Isaw at balun-balunan para kay Nanay. Siya ang paborito niya ay yung tinda ni Aling Nena, pagpag! “Aling Nena pagbilan nga ho ng pagpag! Yung laman ha!” Sabay kindat sa tindera. “Aba Poi mukhang tiba-tiba yata tayo ngayon ah!” hirit ni Nena habang sumasandok ng kanin “Siyempre naman ho!” “O `eto ha! Dinagdagan ko pa yan para sayo malakas ka sakin e!” “Salamat ho Aling Ganda este Nena pala!” “Hay nako Poi nambilog ka nanaman! Sige na at baka inaantay ka na ni Minggay sa inyo!” Karipas nanaman siya ng takbo. “Pano naman ako ganda? Dagdagan mo din tong akin, sige na.” banat ng isang bumibili “Ay nako tigil tigilan mo ako ha! Ibahin mo si Poi kita mo yang batang yan kahit maliit pa’y nagbabanat ng buto! Daig pa kayong mga batugan na walang inatupag kundi magpalaki ng ano!” Ewan nga ba ni Nena pero may kurot sa puso niya tuwing nakikita si Poi.
“Sinong may gusto ng tokneneeeeeng!!” Gulat ni Poi sa kapatid. “Tokneneng kuya? Binili mo ko ng tokneneng?!” Napatalon sa galak si Minggay. “Aba syempre naman mayaman yata ako ngayon!” “Talaga kuya edi mabibili mo na ng ragby si Nanay??” “Tssshhh wag kang maingay kay Nanay! Wag mong sasabihin kundi `di ka na makakabili ng kendi mo mamaya!” “Pero kuya pag di naka-ragby si Nanay sasaktan nanaman tayo nun…” Natigilan si Poi at dumiretso sa tindahan. “Aling Elsie pagbilan nga ho ng limang pisong ragby may ididikit lang” Walang tanong-tanong kinuha ng tindera ang singko at inabot ang ragby, kaya naman pala kasi nanonood ng Wowowee.
Pagdating sa bahay ay inihain na ni Poi ang hapag at inutusan ang kapatid na tawagin na ang Nanay. Lumabas sa kwarto ang Nanay nila, nagpupusod pa ng buhok at halatang kakagising lang. “Wow mukhang masarap ang tanghalian natin ngayon ah!” pilit ang ngiting sinabi ng Nanay. “Opo Nay nakarami si kuya! Tignan niyo o meron pa yung paborito kong kwek-kwek! Pati po Isaw para sa inyo” ganadong sinabi ni Minggay. “Oo nga anak e, eh..Poi..a-ano..b-baka pwedeng.. ano sana anak..ah..b-baka-“ bago pa man matapos ng Nanay ang sasabihin ay pinutol ni Poi “Nay binili ko na po kayo ng rugby nasa ibabaw po ng lamesa.” “S-salamat anak.” Habang nginangasab ni Poi ang biniling pagkain naisip niya; `Di ko alam kung bakit sinasabi nila na marumi daw ang pagpag. Mga tira-tira daw `to na dapat ay sa basurahan, pero sa dami ng nagugutom bakit kaya naiisipan lang nilang itapon ang lahat ng pagkain na `to imbes na hayaang mabulok nalang. Ewan. Basta para sakin paborito ko ito. Masarap ang pagpag.
`Itutuloy~
Ika-apat na yugto
“Kuya!!!! HALIKA!!! Bilisan mo! Mamamatay na ako! Huhuhu!” Madapa-dapa pang tumakbo si Poy papuntang banyo. “Menggai bakit??! Anong nangyari sayo?!” Binuksan ni Menggai ang pinto at humihikbing sinabi “Kuya mamamatay na yata ako…huhuhu” “Ano ngang nangyari? Bakit??” “Tignan mo o..” sabay tumalikod at pinakita ang puwetan “Nagdudugo ako…huhuhu” “Timang! Hindi sugat yan!” tatawa tawang sabi ni Poy. “Eh bakit may dugo? Waaaaahhh” “Tangek ka talaga! Teka nga tatawagin ko si Nanay” Ngingisi-ngisi at iiling-iling na naglakad si Poy “Nanay! Nanaaay! Si Menggai may regla na!” “ANO?!” sambulat ng Nanay. “SI MENGGAI MAY REGLA NA! BWAHAHAHAHAH” di na napigilan ni Poy ang tawa. “Aray” sigaw niya – “Ano ba! Bakit mo ko binato ng tsinelas!” “Bleh! Wag ka kasing tumawa kuya!” pangaasar ng nangingiyak na si Menggai.
Nang gabing yon ay `di tumabi sa kanya si Menggai. Natulog sa loob sa tabi ng Nanay. Napaisip siya eh kung magpatule na kaya ako? Lumaki pa kaya ako? Bakit ba kasi kailangan pang ganon si Menggai…basta ganon. Sana ganito nalang kami palagi, walang magbabago. Ayokong mawala si Menggai, si Nanay…at sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan siya’y nahimbing.
Ika-limang Yugto
`Itutuloy MULI~
Panaghoy ng isang Iniwan
"Panaghoy ng isang Iniwan"
By: hiraya
Ibinulong ko sa hangin,
Damdaming matagal ko nang kinimkim,
Sinambulat ko sa alon
Panaghoy ng aking kalooban…
Tinanong ko ang buwan,
Hinawi ko ang ulap,
Ngunit di parin matunton
Sagot sa aking mga tanong…
Umimpis ang pagasa
Na ika’y muli pang makikita…
Ang alab ng aking damdamin…
Isang gabing kay dilim…
Si Paralitikong Pinoy
Si paralitikong pinoy ay di umiimik,
Kahit puno na ng tinik at tarak ang dibdib
Si paralitikong pinoy ay nagtitiis,
Sa aspalto man pisngi ay ikiskis;Sa nagdaang panaho'y lalong namamanhid,
Lumaban man ay tiyak ang makapangyarihan ang siyang mananaig;
Sa bawat patak ng dugo, sa bawat pagdaloy ng luha
Tumitindi ang kanyang pananangis..Ang pagsikat ng umaga, ang pagkislap ng bituin
Si paralitiko'y umaasa sa katarungang dapat niyang kam`tin..
Tigang man kung maituturing ang buhay na nakasanayan
Ggunit di parin kayang iwan ang bayang sinilangan..Ang perlas ng silangan...Nakasanla sa may kapangyarihan
Pineapple poem
I like to write.
It takes my mind off of things… that or the other way around.
I like to read.
It keeps me sane.
I like to sleep.
It allows me to dream even if it’s all a fantasy.
I like to cry.
It helps me overcome whattever things they may be.
I like to daydream.
It sets me in a trance, in my world I am a vagabond.
I love to love you.
Of all the these things, It’s you that I love..
For those eyes root to my core…
Until the day the ashes and the dust and me no more.
Roguish Tiara
Don’t give me roses, they prick me with they’re thorns
Don’t sing me lullabies that doesn’t have prose in their song
Don’t make the promises you couldn’t keep
Don’t keep me hanging –
Pardon me for I’m not here to satisfy your thirst
Not even to put an end to your quest
I am a princess who grew bitter off my step mother’s curse//
Now run from here beloved prince
For I shall call upon my withered spoon
They’ll scoop unto your past, perhaps a fraud?
Oh I knew it! Sweet Prince you are a toad.thy legacy
I bleed just to see you smile
I hurt just so you can't feel the pain
I cry just so you can be happy
I am the biggest martyr who ever loved
to stab my heart and heal it's wounds...
I am blinded by your smile
the toxic that morbidly cleanse my soul
the poison that quench my thirst...
you will never learn the face of my agony
you will never hear the voices of my ghosts
you will never see how much I hurt
it will forever be hidden...This is my legacy.
Elena
Habang inaalala ang mga panahong nagdaan;
Mga damdaming nakakubli…
Tuluyan nang pinaglipasan ng panahon
Ala-alang naiwan
Gumu-gulo sa isipan;
Retaso ng gulagulanit mong kamison
Ang tanging nagpapaluwag ng kalooban
Iginala ang mga mata
Sa loob ng kwartong mistulang kwadra;
Mga bagay na nagpapaalala sa kahapon
Heto’t nagmumulto sa buhay na siyang patay na
Pilitin ko mang lumimot
Sa mga bagay na sa akin ay naguudyok;
Pasasaan ba’t ako’y lalamunin na rin…
Nitong anino ng kahapong kay dilim
beginning of a farewell
there once was a heart that loved...
and then suddenly, there was none
a gentle kiss on the forehead
as they utter their goodbyes`
as i look down, i gazed upon...
the sweet melancholy that was her,
she waved at me with a smile that says;
"i'll come back some other day..."
i close my eyes and there it was...
the image that was her
bit by bit, pieces by pieces
the image that was her, the irony that was mine
the girl whom i've loved,burned this hole inside my heart
the love that we almost had...tied this ribbon around my heart...
a taste of this bitter sweet symphony...
the beginning of a farewell
Maikling Kwento #1
I was what people would call a goth. Well, a crossbreed between a goth and an emo. I hated my life. Broken family, rotten step-mom and my asshole of a boss - what more can go wrong? I found my loop hole - my own sanctuary. The local cemetery. Swell and quiet. Thank God for dead people - they don't judge me. They just - uhm - lay there.
It was my lunch time and being the smoker that I am, I decided to spend my precious break having my glorious cigarette alone - by myself. Just the way I like it. On my way out I heard my boss screaming for someone to clean up some snotty kids vomit. I hopped to get my pouch and skipped as fast as I can. No way in hell I'm spending 10 mins of my lunch break cleaning vomit.
Ahhh... freedom! For the next 55 mins or so. Betting all my luck on my lighter I lit my cigarette and yes! We have fire! First hit. Second hit. Deep breath and got on a pedicab. To the place where my sanity is. What's left of it.
Got off - fuck. did Manong Pedicab driver just checked me out?! Nasty. Walking down the path I usually take, I felt the earth beneath my feet. A bittersweet reminder that I am still here and soon I have to face reality. I sat down beside the marble with a familiar name. What would she think of me now? Got my phone off my left pocket - for a second there I thought someone still know I existed, only to find out it's my network...stealing my load again. Great. Fucking great.
I was never like her, I can never be like her... she was everyone's sweetheart. Their little barbie. I can still hear mom's voice asking me what happened, Dad's screams
PUTA
Tok Tok Tok Tok …
Naririnig mo ba?
Ang pagkatok ng bagong umaga
Kring-Kring Kring-Kring
Saan nanggagaling?
…ang pagtawag na nanghuhumaling
Ika-Siyam ng Desyembre. Tumunog ang kampana – ang pintuan ng simbahan, naglalangitngit. Nasaan ang mga naiwan? Saan napadpad ang mga lumisan? Isang babae tuluyan nang humiwalay sa kamalayan.Tinawag niya ang kanyang ina. Sinambit ang pangalan niya – muli’t muli pa’y umaasa.Sa liwanag ng buwan ay na-ulol – sa ihip ng hanging banayad umayuda.
Unang Yugto
“PUTA! ISA KANG PUTA!” at ito’y pinaulit-ulit pa. Ang lalaking kanyang minahal ngayon ay wala na. Kung maaari nga lamang bawiin ang mga binitawang salita at baguhin ang mga nakalipas na…
Gising ngunit tulog. Bumitaw sa kamalayan at sinabing “ayoko na”. Hindi maintindihan kung bakit, gayon pa man ay patuloy na naglalakad. Naglalakbay ngunit walang patutunguhan. Buhay ng katulad ko – Isang Puta.
Tukayo
na siyang nagkukubli at gumagalaw kasama mo
Dapat mong panghinayangan ang liwnag
na siyang magdadala ng kapayapaan sa mga binabagabag
Ika'y tumayo - Ika'y umupo
sumabay sa ayuda ng iyong tukayo
Ang araw
Ang liwanag
Ang dilim
Ang anino..
I am nowhere to be seenbut can be found in everything..I cannot be heardbut forever remembered.