Si paralitikong pinoy ay di umiimik,
Kahit puno na ng tinik at tarak ang dibdib
Si paralitikong pinoy ay nagtitiis,
Sa aspalto man pisngi ay ikiskis;Sa nagdaang panaho'y lalong namamanhid,
Lumaban man ay tiyak ang makapangyarihan ang siyang mananaig;
Sa bawat patak ng dugo, sa bawat pagdaloy ng luha
Tumitindi ang kanyang pananangis..Ang pagsikat ng umaga, ang pagkislap ng bituin
Si paralitiko'y umaasa sa katarungang dapat niyang kam`tin..
Tigang man kung maituturing ang buhay na nakasanayan
Ggunit di parin kayang iwan ang bayang sinilangan..Ang perlas ng silangan...Nakasanla sa may kapangyarihan
There are thoughts that needs to stay as such and then there are ones that you want to shout your heart out with.. These are mine..
Sunday, April 27, 2008
Si Paralitikong Pinoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I am nowhere to be seenbut can be found in everything..I cannot be heardbut forever remembered.
No comments:
Post a Comment