Sunday, April 27, 2008

Elena

Namayani ang katahimikan

Habang inaalala ang mga panahong nagdaan;

Mga damdaming nakakubli…

Tuluyan nang pinaglipasan ng panahon



Ala-alang naiwan

Gumu-gulo sa isipan;

Retaso ng gulagulanit mong kamison

Ang tanging nagpapaluwag ng kalooban



Iginala ang mga mata

Sa loob ng kwartong mistulang kwadra;

Mga bagay na nagpapaalala sa kahapon

Heto’t nagmumulto sa buhay na siyang patay na



Pilitin ko mang lumimot

Sa mga bagay na sa akin ay naguudyok;

Pasasaan ba’t ako’y lalamunin na rin…

Nitong anino ng kahapong kay dilim

No comments:

Post a Comment

I am nowhere to be seen
but can be found in everything..
I cannot be heard
but forever remembered.