There are thoughts that needs to stay as such and then there are ones that you want to shout your heart out with.. These are mine..
Saturday, December 31, 2011
Tuesday, November 15, 2011
Isang Pula
Ang pagsasanga ng isipan
Di maiwasan sa gabing nagdaan
Nasaan ang kasagutan
Hindi malaman..
Tuliro at nakatungo
yan ang siyang ginagawa ng taong tulad ko
kumpol ng ideya
bumubugkos sa memorya..
Tama na at iyong pakawalan
ang puso mong sugatan.
*credits to: staje (deviantart) for the drawing*
Saturday, July 2, 2011
Pasubali
Hayaan mo akong magsulat -
ng mga bagay na sa isip ko'y bumabagabag
Hayaan mong ako'y managhoy -
sa mga hinanakit kong ako lamang ang makakatangis
Tawagin mo akong payaso -
Tawagin mo akong hangal -
Hindi mo maiintindihan,
dahil ako'y di ikaw
Kung iyong ipinagtataka -
wag kang magtanong.
Sapagkat sa pagbuka ng labi ko
sagot ko'y bugtong

Wednesday, June 29, 2011
Bugtong-bugtong
Hayaan niyong umpisahan ang entry kong ito sa pamamagitan ng isang bugtong na natutunan ko sa aking kamusmusan.
Bugtong-bugtong: Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Bakit ko kamo sinabi ang bugtong na yan? Kayo nalang siguro ang magtagni-tagni kung bakit. You see, kanina nung nanonood ako ng news. May pumukaw sa atensyon ko at ito ay ang kaso ng Vizconde massacre. Hanggang ngayon ay wala paring linaw ang kaso. Bente-uno anyos na ako at halos kasing edad ko na ang kasong ito. Hanggang ngayon wala paring linaw ang kaso. Naaawa ako sa lahat ng sangkot dito, higit sa lahat - kay Lauro Vizconde.
Pagnakikita ko siya ay nakikita ko ang imahe ng isang ama na kumupas na. Wala akong masamang ibig sabihin dito, habag lamang ang nadarama ko para sa matanda. He was a father and a husband. He was once a man who had everything. Now, he has nothing. Worse than nothing, nawalan siya ng hustisya. Masakit ang mawalan ng kapamilya, alagang aso nga ipinagluluksa - ang anak at asawa mo pa kaya? Isang salita lang ang naiisip ko para isalarawan ang pangyayaring ito.. malagim.
Aaminin kong hindi ko gamay ang bawat detalye ng kasong ito, ngunit sasabihin kong naaapektuhan ako. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito katagal ang usad ng hustisya.. kung bakit ganito kailap ang batas. Ano ang pamantayang ginagamit ng mga humuhusga? Paanong masasabing guilty or not guilty ang isang tao?
Isa pang bumabagabag sa akin ay bakit sa kaibuturan ng isipan ko, may nagsasabi sa akin na hindi sangkot si Hubert Webb dito? Kaya napagdesisyunan kong mangalap ng impormasyon ukol dito.
1. Meron ba talagang binigay na semen sample si Webb?
2. Nasan na to?
3. Totoo bang nawala ng NBI yung semen sample?
4. Nasan na si Jessica Alfaro?
5. Kung si Jessica ay ang star witness ng NBI noon, bakit ngayon ay kulang nalang isuka nila siya?
6. Sino nanaman tong mga Black lady ek ek na witness? At si Something-something Barbero?
7. Kung aabot na ng 20 years ang kaso at wala pang napapatunayang guilty, ibig ba sabihin non ay wala nang makukulong?
8. Bakit umabot ng ganito kahaba at katagal ang kasong ito?
Sa mga susunod na araw ay aantabay ako sa balita ngunit kasabay nito ay ang pagbabasa ng past articles na nasulat at naiulat tungkol sa kasong ito.
________________________________
May truth prevail.

Saturday, June 18, 2011
Mukha ng Demonyo

Maraming muka ang demonyo
makikita mo sa taong nakasalubong mo
sa kakilala -
kahit nga sa taong mahal mo.
Mara
ming klase ng demonyo
may nakahuhumaling
may nakababaliw
may naka-aaning.
Demonyo ang tingin ko sayo
kung bakit ay ewan ko.
Siguro dahil sa pang-gagago mo
Siguro dahil sa pang-gagago ko
Demonyo.
Wednesday, June 15, 2011
Acacia 3 - Pighati ng isang Ina
"Nanay-Tatay gusto kong tinapay,
Ate-Kuya gusto kong--- ano na nga ulit ang karugtong `non Abel?"
"Gusto kong kape! hahaha"
"Che! eh sa nakalimutan ko nga eh!" sagot ng batang si Maria na humahaba nanaman ang nguso.
Kung pagmamasdan mo sila ay aakalain mong normal silang magkaibigan. Mga normal na bata, normal na naglalaro at nagaasaran. Si Maria na kahit bata pa man ay ang pinaka marikit na sa kagubatan. Sa kanyang buhok na abot hanggang talampakan at kutis na nagnining ning sa kaputian, hindi mapagkakaila na siya na nga ang pinaka maganda. Madalas na siya'y napapagalitan ng kanyang mga nakatatanda sa labis na kakulitan, halos sampung taon na ang nakalilipas mula noong iluwal siya ng punong Acacia. Si Maria ay hindi isang pangkaraniwan na diwatang hangin, siya ang diwatang may kakambal na punyal. Siya ang susunod na magiging Reyna.
--------------------------------------
"Ipagpaumanhin niyo po Ginoo, ipinatatawag po kayo ng inyong Ina Acacia."
"Sige po Diwatang Sambit, tutungo na po ako." sagot ni Abel.
Si Abel ay isang magiliw na bata. Maliksi at bibo kaya naman sa murang edad niya ay marami nang humahanga sa kanya. Diwata man o iba pang engkanto. Dito na siya lumaki at namulat sa loob ng gubat. Ito ang kanyang tahanan, ang kanyang kanlungan. Hindi man niya kailan man nakita ang kanyang Ama ay hindi naman nagkukulang ng pagmamahal at gabay ang kanyang Ina. Minsan nang sinubukan ni Abel ang bumaba sa kabayanan ng mga tao ngunit bigo ang kanyang kagustuhan na makilala ang Ama.
--------------------------------------
Tok Tok Tok !
"Ina - narito na po ako-"
isang malamig na tinig ang sumagot "tumuloy ka mahal kong anak-"
Ang anyo ng payak na kubo sa labas ay siyang kabaliktaran sa loob. Pag pasok mo ay tila pumasok ka sa isang pahina ng librong pambata. Maningning na kulay ng mga diamante at iba't iba pang bato na hindi pa nasisilayan ng tao. Tunay ngang nagmula sa kaibuturan ni Ina Gaea. Animo'y isang lugar ng panaginip at pantasya. Ang sahig ay gawa sa likidong hindi basa na kung lalakaran ay para kang lumulutang. Ang mga ding ding ay balot ng batong kumikinang sa mga kulay na hindi pa nakikita ninoman. Isang malaking pasilyo ang daraanan bago makarating sa luklukan ng Reyna. Ang halimuyak ay amoy ng pinaka matamis na prutas at pinaka mabangong bulaklak. Ang upuan ng Reyna ay isang munting puno na tumutubo mula sa ilalim ng lupa, sinasabing ito ay tumutubo mula sa kaibuturan ng puso ni Inang Gaea.
Hindi niya dinatnan ang Ina sa trono nito, marahil ay nasa loob ng kanyang silid.
Nagulat siya nang ibaling ang mata sa sahig - isang kakaibang bagay ang nakita niya. Itim ito at may manipis na lubid. Lumapit siya nang mahawakan ito, matigas. Kinagat niya ngunit hindi ito manguya. Binitbit niya ito paakyat ng silid ng Ina.
"Ina, ano po ito?---" pagtaas niya ng ulo ay nagulat siya. May kasama pala ang Ina sa loob ng silid nito. Tinitigan niya ang lalakeng may kakaibang kasuotan at minukhaan. Hindi pa niya ito nakikita kailanman ngunit mukhang pamilyar ito sa kanya.
------------------------------------
"Ay pasensya na Abel, yan ay sapatos ko. Yan ang para sa paa." sagot ng lalaking halatang atubili nang siya ang makita.
"Paano pong sapato? paano pong sa paa?" habang inaalog alog ang sapatos.
"Hindi sapato Abel, sapatos. Ipapasok mo ang iyong paa at itatali natin ito." Pagpapaliwanag ng lalake habang isinusuot sa kanya ang sapatos."Ay bakit po ganoon? matigas sa paa?" dismayadong tugon niya.
"Ganyan talaga yan para maprotektehan ang paa mo sa dumi ng lupa".
Napakunot ang ulo niya, ano bang sinasabi ng lalakeng ito at madumi daw ang lupa. Tinanggal niya ang sapatos at ibinigay sa lalake sabay umupo sa tabi ng Ina.
"Ipinatawag niyo raw po ako Ina?" halata ang pagkainip sa boses niya.
------------------------------------
"Hindi! Hindi! Hindi ako sasama sa lalaking yan! Hindi siya ang aking Ama! Wala akong Ama!" puno ng puot ang tinig ni Abel.
Ito ang unang pagkakataon na nagtaas siya ng boses sa harap ng kanyang Ina - ngunit ang pagtatangis nararamdaman niya sa kanyang dibdib at sing sakit ng isang matulis na kalis na ibinaon sa kanyang dibdib. Ang kanyang Ama na matagal niyang hinanap, ang Ama na kay tagal siyang nangulila. Ngayon ay nasa harapan niya at gusto siyang angkinin. Nagtatalo ang kanyang isip; Ang Ina ay basta basta nalamang akong ipamimigay sa lalakeng ngayon ko lang nakilala?! Paano na ang mga kalaro ko?! Paano na sila Maria?! Paano na ang mahal kong kagubatan?!. Hindi ito patas! hindi patas!
"Abel, anak.. huminahon ka.." banayad na pagsasalita ng kanyang Ina. Anumang galit niya at humupa ito nang marinig ang tinig ng Ina.

"Mahal kong anak, panahon nang sumama ka sa iyong Ama. Mula sa iyong kamusmusan ay nasa akin kang pangangalaga. Ngayon ay umpisa na ng panahon na ng iyong kamalayan - bilang isang tao ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas ng kalikasan na ika'y makahalubilo ng mga nilalang ng gubat. Mahal kong anak, patawarin mo sana ako.. mahal na mahal kita at kailan ma'y hinding hindi kita malilimutan."
Hinaplos ni Reyna Acacia ang pisngi ng kanyang anak, sinuyod ang mukha nito na animo'y minememorya ang bawat guhit - bawat kunot sa mukha ng anak. Batid ni Abel ang kalungkutan sa mukha ng Ina, pinagmasdan niya ang walang kasing gandang mukha ng babaeng nasa harap niya. Ang mga mata nitong napupuno ng luha at unti unting pumapatak sa kanyang perpektong pisngi.. dumaan sa perpekto nitong labi hanggang sa tuluyan nang tumulo.
---------------------------------------
Ang pinaka malungkot na araw sa kagubatan, ang paglisan ng kanilang magiliw na si Abel.

Kahit sabihing alam ng lahat na darating din ang araw na ito, ay hindi nila maiwasan ang malumbay. Lahat ng pamamaalam ay mahirap, lalo na sa isang taong nagbibigay buhay sa buhay mo. Sa isang taong iniikutan ng iyong mundo. Bawat ngiti niya ay iyong ngiti at bawat kalungkutan niya ay iyong luha.
Buhat-buhat ni Simon ang kanyang anak na walang malay, ito ang unang beses sa loob ng maraming taon na ganito siya kalapit sa anak. Sampung taon na ang nararaan nang una niya itong binuhat, nung una niya itong pinatahan at una niya itong hinagkan. At ngayon nga ay napaka saya niya na nakapiling ang kanyang supling.
"Mahal kong Simon, pagmulat ng kanyang mga mata ay hindi na niya ako makikilala. Bawat ala ala ay maglalaho na.." bakas ang kalungkutan sa tinig ni Acacia.. isang Reyna -- higit sa lahat ay isang Ina. Hinaplos niyang muli ang mukha ng anak, ang kapaitang pilit niyang nilulunok ay hindi naglalaho sa kanyang mga labi. Walang sing sakit ang mawalay sa anak na nagmula sa iyo.
Pamamaalam.
Ang gubat ay walang kasing lungkot.. ang mga diwata.. ang mga engkanto.. ang mga puno.. hayop at bulaklak ay nagdadalamhati sa paglisan ng kanilang Abel. Mga ibong malungkot na humuhuni -- ang pamamaalam ng isang kaibigan.
-------------------------------------------------
Monday, April 25, 2011
"Almost" is the saddest word in the dictionary. It's like looking through a glass window and seeing the thing you desire the most. That throbbing pain in your chest of never having it. How can you see what is in front of you when you are blinded by the desire that fuels your drive? How will you know that what is in front of you is the one that is meant for you if you keep longing for something so far? It is never about fear or loss or tragedy. Always about hope and dreams and of course, love. Never the bitter but always the sweet. The journey is indeed the destiny, for when you are there what is left to do? Bathe in the honey that is your success and after that what? All that is left is a rusty trophy that would eventually collect dust through the coming years. What comes after the glory? I am at that point where I question myself "What am I doing here?". That nagging little voice inside my head with three simple words that strike me "Are you happy?". So I stopped and considered the things I did that led me to this exact moment. What was the purpose of everything I did to get here? Then it hit me, something I once knew was missing. Something that moved me to be here and do what it is that I am doing, Passion. That current that passes through your veins when you do something that you love and that loves you back. I have forgotten to be passionate or as the Mad hatter in Alice in Wonderland would say, my "muchness". I have been described as a lot of things these past years but never "feisty" or as Tyra Banks would say "Fierce" and so I round up my guts and prepared to go on a quest of which I have to say Disney played a huge influence in. I shall call it "Finding My Mojo". It is not as easy as getting a cup of coffee or going on a soul searching journey. So I start again from my roots and seek my seed. Hoping to find that core that is my passion, Writing.
This side up ♥
They say when you're down there's nowhere to go but up -- but why does it feel like I've been stuck here for so long I can't even remember how I got here. Life decisions are tricky, people will tell you to go with the flow and let it be but how I wish that I was strong enough to fight the current. I feel as if I'm wandering. Gravitating to something that's been pulling me. I just don't quite know what it is yet. I don't know how long I should stay afloat.. is it East? West perhaps? I really don't know. You know it's been the longest time since I got the courage to write again? Because I'm afraid of what the outcome might be. I'm afraid how sharp the edges of my words cut deep into me. Cliche as it may seem I feel as though I am hanging by a thread here... out of job.. out of money.. out of dream.. that's what pains me the most.. I have lost my passion.. I have lost my core. I need to find me. It's worse than having suffered a heart break -- as if I lost part of my soul.
Piece of a Web
This was something I wrote for someone special to me..
9/21/10
Have i told you lately?
I wanted to thank you for everything you have given me..
More than you think you have.. you have given me love
You have shown me hope.. you gave me will..
You made me better
I never understood when the pastor said that "Love is patient, love is kind."
But you showed me.. you showed me that when you love someone
No matter how much they push you away.. those were the times that they needed you to stay..
"It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails."
You always make me feel safe.. your arms are my shelter and your heart is my home..
Forgive me my baby for being unkind..
I'm sorry for the times I have taken you for granted
Forgive me for thinking such things about you..
I'm sorry for not loving you the way i was supposed to..
understand you the way you should be understood..
As the song goes, I can only give you love that lasts forever..
And my promise to be near each time you call..
But the only heart I own.. is for you and you alone..
Thank you for all the kindness that you've shown..
We do not know what the future holds..
All i know is that right now you are my light
You are the soul of my being..
You are the core of my heart..
I love you baby and I will gladly give my all to be with you..
Have your child someday and start our family
Take care of you..
Grow old with you..
Now i know why God put me through all these..
To be strong and hold your hand
When that time finally comes..
I love you my angel..

Wednesday, February 23, 2011
Put your head on my shoulder

I remember when you sang me to sleep when I was a little girl..a song that I remember faintly..I remember when you used to dream for mesomeone I wanted to be..I remember when I used to leave you notesand you would read them dutifullyI remember youeverything you are to meI remember when we used to laughsitting in the back seat of your beaten jeepyou told me storiesall which I will forever keepI remember the morning that I lost youthe pain - the agonymy longing..you will never be hereMy nightmare a realityto face the world without you nearall I'll have is your memory..
It's like stumbling over and over again. My knees are bruised and I keep wishing you were here to help me up. All I feel is pain. It will go away but just like a stubborn throbbing in my head, it comes back again.
Friday, January 28, 2011
The Periscope
The Periscope. Now, now -- I don't know about you but this is new to me :)

Alas! The Periscope.. often seen in war movies and fishy cartoons :)
it is used basically to see what is happening above water - well cause y
ou know people use it under water.

Unless you're like this duffus right here
There you have it folks, the Periscope.
Thursday, January 27, 2011
Random
Hindi ko hinihinging maintindihan ako, pero sana intindihin mo ang katahimikan ko.. i need you to tell me that it's alright. that we're fine. even if we're not, as long as you say that we are -- i'll believe you. re-assure me. make me believe. i am not asking you to lie to my face. comfort me. right now i am nowhere. right back where i started... i just need someone to understand.
Monday, January 17, 2011
Hinuha
Parang nasa simula at walang pinagbago
Pikit mata akong tumalon at nagpadala sa alon
Kasawian at kamalian..

There's a beauty in being alone
Subscribe to:
Posts (Atom)
I am nowhere to be seenbut can be found in everything..I cannot be heardbut forever remembered.