Ate-Kuya gusto kong--- ano na nga ulit ang karugtong `non Abel?"
"Gusto kong kape! hahaha"
"Che! eh sa nakalimutan ko nga eh!" sagot ng batang si Maria na humahaba nanaman ang nguso.
Kung pagmamasdan mo sila ay aakalain mong normal silang magkaibigan. Mga normal na bata, normal na naglalaro at nagaasaran. Si Maria na kahit bata pa man ay ang pinaka marikit na sa kagubatan. Sa kanyang buhok na abot hanggang talampakan at kutis na nagnining ning sa kaputian, hindi mapagkakaila na siya na nga ang pinaka maganda. Madalas na siya'y napapagalitan ng kanyang mga nakatatanda sa labis na kakulitan, halos sampung taon na ang nakalilipas mula noong iluwal siya ng punong Acacia. Si Maria ay hindi isang pangkaraniwan na diwatang hangin, siya ang diwatang may kakambal na punyal. Siya ang susunod na magiging Reyna.
--------------------------------------
"Ipagpaumanhin niyo po Ginoo, ipinatatawag po kayo ng inyong Ina Acacia."
"Sige po Diwatang Sambit, tutungo na po ako." sagot ni Abel.
Si Abel ay isang magiliw na bata. Maliksi at bibo kaya naman sa murang edad niya ay marami nang humahanga sa kanya. Diwata man o iba pang engkanto. Dito na siya lumaki at namulat sa loob ng gubat. Ito ang kanyang tahanan, ang kanyang kanlungan. Hindi man niya kailan man nakita ang kanyang Ama ay hindi naman nagkukulang ng pagmamahal at gabay ang kanyang Ina. Minsan nang sinubukan ni Abel ang bumaba sa kabayanan ng mga tao ngunit bigo ang kanyang kagustuhan na makilala ang Ama.
--------------------------------------
Tok Tok Tok !
"Ina - narito na po ako-"
isang malamig na tinig ang sumagot "tumuloy ka mahal kong anak-"
Ang anyo ng payak na kubo sa labas ay siyang kabaliktaran sa loob. Pag pasok mo ay tila pumasok ka sa isang pahina ng librong pambata. Maningning na kulay ng mga diamante at iba't iba pang bato na hindi pa nasisilayan ng tao. Tunay ngang nagmula sa kaibuturan ni Ina Gaea. Animo'y isang lugar ng panaginip at pantasya. Ang sahig ay gawa sa likidong hindi basa na kung lalakaran ay para kang lumulutang. Ang mga ding ding ay balot ng batong kumikinang sa mga kulay na hindi pa nakikita ninoman. Isang malaking pasilyo ang daraanan bago makarating sa luklukan ng Reyna. Ang halimuyak ay amoy ng pinaka matamis na prutas at pinaka mabangong bulaklak. Ang upuan ng Reyna ay isang munting puno na tumutubo mula sa ilalim ng lupa, sinasabing ito ay tumutubo mula sa kaibuturan ng puso ni Inang Gaea.
Hindi niya dinatnan ang Ina sa trono nito, marahil ay nasa loob ng kanyang silid.
Nagulat siya nang ibaling ang mata sa sahig - isang kakaibang bagay ang nakita niya. Itim ito at may manipis na lubid. Lumapit siya nang mahawakan ito, matigas. Kinagat niya ngunit hindi ito manguya. Binitbit niya ito paakyat ng silid ng Ina.
"Ina, ano po ito?---" pagtaas niya ng ulo ay nagulat siya. May kasama pala ang Ina sa loob ng silid nito. Tinitigan niya ang lalakeng may kakaibang kasuotan at minukhaan. Hindi pa niya ito nakikita kailanman ngunit mukhang pamilyar ito sa kanya.
------------------------------------
"Ay pasensya na Abel, yan ay sapatos ko. Yan ang para sa paa." sagot ng lalaking halatang atubili nang siya ang makita.
"Paano pong sapato? paano pong sa paa?" habang inaalog alog ang sapatos.
"Hindi sapato Abel, sapatos. Ipapasok mo ang iyong paa at itatali natin ito." Pagpapaliwanag ng lalake habang isinusuot sa kanya ang sapatos."Ay bakit po ganoon? matigas sa paa?" dismayadong tugon niya.
"Ganyan talaga yan para maprotektehan ang paa mo sa dumi ng lupa".
Napakunot ang ulo niya, ano bang sinasabi ng lalakeng ito at madumi daw ang lupa. Tinanggal niya ang sapatos at ibinigay sa lalake sabay umupo sa tabi ng Ina.
"Ipinatawag niyo raw po ako Ina?" halata ang pagkainip sa boses niya.
------------------------------------
"Hindi! Hindi! Hindi ako sasama sa lalaking yan! Hindi siya ang aking Ama! Wala akong Ama!" puno ng puot ang tinig ni Abel.
Ito ang unang pagkakataon na nagtaas siya ng boses sa harap ng kanyang Ina - ngunit ang pagtatangis nararamdaman niya sa kanyang dibdib at sing sakit ng isang matulis na kalis na ibinaon sa kanyang dibdib. Ang kanyang Ama na matagal niyang hinanap, ang Ama na kay tagal siyang nangulila. Ngayon ay nasa harapan niya at gusto siyang angkinin. Nagtatalo ang kanyang isip; Ang Ina ay basta basta nalamang akong ipamimigay sa lalakeng ngayon ko lang nakilala?! Paano na ang mga kalaro ko?! Paano na sila Maria?! Paano na ang mahal kong kagubatan?!. Hindi ito patas! hindi patas!
"Abel, anak.. huminahon ka.." banayad na pagsasalita ng kanyang Ina. Anumang galit niya at humupa ito nang marinig ang tinig ng Ina.
"Mahal kong anak, panahon nang sumama ka sa iyong Ama. Mula sa iyong kamusmusan ay nasa akin kang pangangalaga. Ngayon ay umpisa na ng panahon na ng iyong kamalayan - bilang isang tao ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas ng kalikasan na ika'y makahalubilo ng mga nilalang ng gubat. Mahal kong anak, patawarin mo sana ako.. mahal na mahal kita at kailan ma'y hinding hindi kita malilimutan."
Hinaplos ni Reyna Acacia ang pisngi ng kanyang anak, sinuyod ang mukha nito na animo'y minememorya ang bawat guhit - bawat kunot sa mukha ng anak. Batid ni Abel ang kalungkutan sa mukha ng Ina, pinagmasdan niya ang walang kasing gandang mukha ng babaeng nasa harap niya. Ang mga mata nitong napupuno ng luha at unti unting pumapatak sa kanyang perpektong pisngi.. dumaan sa perpekto nitong labi hanggang sa tuluyan nang tumulo.
---------------------------------------
Ang pinaka malungkot na araw sa kagubatan, ang paglisan ng kanilang magiliw na si Abel.
---------------------------------------
Ang pinaka malungkot na araw sa kagubatan, ang paglisan ng kanilang magiliw na si Abel.
Kahit sabihing alam ng lahat na darating din ang araw na ito, ay hindi nila maiwasan ang malumbay. Lahat ng pamamaalam ay mahirap, lalo na sa isang taong nagbibigay buhay sa buhay mo. Sa isang taong iniikutan ng iyong mundo. Bawat ngiti niya ay iyong ngiti at bawat kalungkutan niya ay iyong luha.
Buhat-buhat ni Simon ang kanyang anak na walang malay, ito ang unang beses sa loob ng maraming taon na ganito siya kalapit sa anak. Sampung taon na ang nararaan nang una niya itong binuhat, nung una niya itong pinatahan at una niya itong hinagkan. At ngayon nga ay napaka saya niya na nakapiling ang kanyang supling.
"Mahal kong Simon, pagmulat ng kanyang mga mata ay hindi na niya ako makikilala. Bawat ala ala ay maglalaho na.." bakas ang kalungkutan sa tinig ni Acacia.. isang Reyna -- higit sa lahat ay isang Ina. Hinaplos niyang muli ang mukha ng anak, ang kapaitang pilit niyang nilulunok ay hindi naglalaho sa kanyang mga labi. Walang sing sakit ang mawalay sa anak na nagmula sa iyo.
Pamamaalam.
Ang gubat ay walang kasing lungkot.. ang mga diwata.. ang mga engkanto.. ang mga puno.. hayop at bulaklak ay nagdadalamhati sa paglisan ng kanilang Abel. Mga ibong malungkot na humuhuni -- ang pamamaalam ng isang kaibigan.
-------------------------------------------------

No comments:
Post a Comment