"Babay ate Isay! Hapi Bertday po ulit!" pamamaalam ni Menggai kay Isay habang niyayakap ito. "Oh Poy baka kung `san pa kayo dumirecho ha?" "Hindi po ate Isay uuwi na po kami, busog na busog nga po ako eh! Da best talaga ang pansit mo!" "Kuya Nonoy ikaw na ang bahala sa ate namin ha! Pag pinaiyak mo yan nako!!! Galit na tayo!" pagiismid ni Menggai kay Nonoy. "Wag kang magalala bunso, mahal na mahal ko ang ate niyo. Hindi ako gagawa ng kahit anong ika-sasama ng loob niya"
Maya maya pa ay nasa kalagitnaan na sila papunta sa bahay nila nang makita ni Poy na may sumusunod sa kanilang anino. Sinenyasan niya si Menggai na bilisan ang lakad pero abala ito sa pagkain ng pansit na pinabaon ni Isay. Hinawakan nia ang kapatid sa kamay at kumaripas sila ng takbo. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Baka mga TBS yun ah! Nakaaway ko si Jomar nung isang araw puta baka reresbakan ako! Kailangan kong makatakbo! Kailangan kong mailigtas si Menggai!
Ika-Siyam na Yugto
Tahooooooow! Tahooooow!
Napabalikwas siya sa pagkakahiga ng narinig ang magtataho.
PUTIK! ANONG ORAS NA!!! lumingon siya sa orasang nakasabit sa dingding
TANGINA ALAS-NUEBE NA!! walang hila-hilamos ay kumaripas siya ng takbo sa palengke.
Pagdating niya sa palengke ay nagkakagulo, may mga taong nagkukumpulan malapit sa Bakery. Pumunta siya at nagusisa. "Boss, boss, anong nangyari?" umiiling iling na sinagot ng isang nakakatandang kargador si Poy "Si Ambet napagtripan - ayun nilagyan ng gripo sa tagiliran." "Sino daw po ang sumaksak?" "Ewan - TBS daw kagabi inabangan" Gayon nalamang ang lakas ng tibok ng puso ni Poy. Ako dapat yan.. ako dapat ang nasaksak..
Ika-Sampung Yugto
"Menggai anak, halika nga rito saglit!" tawag ni Nanay na umu-ubo ubo pa. "Po `Nay?" maagaw na sagot ni Menggai papalabas ng bahay. "Anak, pumunta ka nga muna sa kuya mo. Ihingi mo ko ng sampung piso. May patay kayla Aling Puring, magbibinggo ako." "Sige po Nay! Magsusuklay lang po ako" --- Humihimig si Menggai habang dahan dahang sinusuklay ang buhok niya, sinusuri niya ang damit na kahapon ay tinahi niya ang butas sa tagiliran. Matangkad si Menggai para sa isang Dose anyos. Marahil dahil nagmana siya sa kanyang ama na talaga namang matangkad. Nakuha niya ang mata ng kanyang ina at ilong ng ama sa madaling salita ay maganda siya. "Menggai!!! Hindi ka pa ba tapos diyan?!!" Nagmamadali siyang lumabas ng bahay "Aalis na po nay!!"
`Itutuloy
No comments:
Post a Comment