Sunday, December 5, 2010

Acacia II - Si Maria

Kabilugan ng buwan, nagtipon ang mga diyosa ng kagubatan. Lahat ay nasasabik na makilala ang bagong pantas. Ang malakas at banayad na pagihip ng hangin ay palatandaan na isang diyosa ng hangin ang isisilang.

Ang pagbibigay ng buhay ng punong Acacia ay isang pangitain mula sa buwan na may pumayapang nilalang ng kagubatan. Kung kaya't ang pagsilang ay isang masaya at malungkot na kaganapan.

Bumaba na ang sanga ng punong Acacia. Kumikinang na rin ang punyal sa paanan ng ugat nito. Hudyat para magsimula na ang seremonya. Lumapit na ang pinuno ng mga Diwatang Hangin at kasabay nito ay ang pagluhod ng iba pang mga diwata at encanto. Pinulot ng Pinunong Diwatang Hanging si Amihan ang punyal at itinarak sa sangang pumipintig. Ang hiwa ay lumaki ng lumaki. at doo'y lumabas ang bagong Diwata ng Hangin.







Marahan siyang inilapag ng sanga sa mga ugat nito, na parang isang sanggol na h
inehele sa kanlungan ng kanyang ina.

Dahan dahang binuksan ang kanyang mga mata at sinambit ang kanyang pangalan; "Maria"

Matagal nang panahon simula nang may isilang na Diwata ng Hangin, humigit kumulang isang daang taon na kaya naman ang mga pantas ng hangin ay tuwang tuwa at sabik na makita ang kanilang bagong kaanib. Naiiba ang pagsilang kay Maria, ang Reyna Acacia ay kababalik pa lamang mula sa kabilang mundo. Walang nakaka alam kung saan siya nanggaling at bakit siya lumisan. Ngunit sa kanyang pagbalik ay kapansin pansin ang kanyang kalungkutan.






Lumiwanag ang kabuoan ng puno matapos ang pagsilang, paliit ng paliit hanggan
g sa ito'y magkatawang lupa. Ang Reyna ay may ginintuang buhok na siyang lagpas talampakan, ang kanyang mga matang malamlam na puno ng karunungan.

Marami ang nagsasabi na sa isang kumpas ng kanyang kamay ay maaring mangahulugan ng isang lindol o di naman kaya'y malakas na ulan, ngunit para sa kanyang mga nasasakupan ang kamay ng reyna'y kanilang kanlungan.











Bumungad sa lahat ng encanto ang anyo ng reyna na aka'y akay ang bagong silang na si Maria,
marami ang natuwa nang nakita nilang si Maria ay mayroong kabiyak na punyal. Palatandaan na siya ang susunod sa yapak ni Acacia.


No comments:

Post a Comment

I am nowhere to be seen
but can be found in everything..
I cannot be heard
but forever remembered.