Thursday, December 2, 2010

My Top Toons


There's a status circling around facebook and it goes something like;


" Changeyour facebook profile picture to a cartoon from your childhood andinvite your friends to do the same. Until Monday there should be nohuman faces on facebook, but an invasion of memories. This is forViolence Against Children. ('till December 6) :)"


On that note, naisipan kong gumawa ng Top 10 Toon List ko. This is serious business people, we're talking toons that you would fake a sickness and tell mama and papa that you can't come to school kasi hindi mo matitiis kung ano ang susunod na kabanata :)


10. Daria

Hindi ko alam kung kilala niyo si Daria. Pero siya ang kasamahan ko sa pagpupuyat nung hindi pa uso ang outsourcing at ang pagiging call center agent. Natatawa lang ako sa mga antics niya at witty remarks sa mga tao sa paligid niya. Si Daria ang tunay na simbolo ng rock en roll. Promise. At ng pagiging Emo pala.

Daria

9. Rainbow Bright

Sino ba tong babaitang chabelita na to? Honestly, hindi ko siya kinahiligan sa kadahilanang hindi ko naman siya kapanahunan at sa totoo lang pakiramdam ko malaki ang kuntribusyon niya sa pag convert ng karamihan sa mga kabaklaan kong kaibigan. Pero kinailangan ko siyang isama sa list ko dahil kukutusan ako ng ate len ko kapag sinabi kong hindi ko kilala si Rainbow Bright.

Rainbow Bright

8. Little Lulu Show

Siya ang brunette na Goldilocks. Haha. Kung wala kayong cable dati (dahil dati naman puno ng sustansya ang local channels at hindi puro drama) ay malamang hindi niyo kilala si Little Lulu. Siya ang batang babaeng niluwal dito sa mundo para maging kabiyak ni Denis the menace.

Little Lulu

7. My Little Pony

Hindi sila tao. Oo, alam ko. Kung iisipin ko nga ngayon parang ang creepy ng mga kabayong to. Pero when I was growing up, I was obsessed with horses. At sila - mga ponies na iba't iba ang colors may mga design pa. Ang cute diba? (weh)

My Little Pony (andyan na sila..)

6. Georgie

Eto na. Eto na ang cartoon na nag catapult sa mga pinoy telenovelas. Alam niyo kasi mga kaibigan, ang istorya ng batang si Georgie ay hindi naman talaga pang bata. Wirdo lang. Tungkol ito sa isang batang babae na nalaman na ampon siya at ang mga itinuring niyang kuya ay in fact mahal pala siya. Kung hindi pa man sapat ang love triangle na yon, she is in a quest to find her real parents AND her long lost love. Oh dba? bata palang may long lost love na. At dahil ang haba na ng naisulat ko. Tama na ang kahibangang ito.

Georgie

5. Remi

Nobody's girl. Aking ina, mahal kong ina. Pagmamahal mo aking inaa.. yakap mo sa akin. Hinahanap ko. Init ng pagibig. Kumot ng bunso. Sa gitna ng pagkakahimbing. Yakap mo ang gigigsing. Yun na.

Remi

4. Charlotte

Si Spica yung hamster niya dito diba? Hahaha sa hinaba haba ng storya nito si Spica lang ang naalala ko. Para ding Georgie sa storya pero mas pretty si Georgie sa kanya. Peace @ Spica :)

Charlotte

Maghanda na kayo dahil heto na ang TOP 3... nandito na ang mga Bigatin nating tumabo sa takilya

3. Heidi

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa bulinggit na batang si Heidi? In her red dress and forced blush Heidi is bound to leave a mark in every child's heart and the young at heart. Ang liit liit kasi naman ni Heidi. Parang hindi naman fair. Hahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahaahahahahahhahahahahahahahhahah

Heidi and friends

2. Cedie

Cedie ang munting prinsepe. Our thorn among the roses. Si Cedric Errol mga kaibigan ay isang halimbawa ng batang gusto nating maging anak na lalake, sa paraang natetemp tayo na ihagis si Heidi dahil nga sobrang liit niya at hindi parin ako maka-move on sa usapin ng height ni Heidi. Kung hindi mo alam ang storya ni Prince Cedric ay ewan ko nalang sayo. Siya ang tanging tagapagmana ng Dorin Court.

Si Cedie ang tagapagmana ng Dorin Court. Okay?!

Humanda na para sa Number 1 (one. one. one)

1. Princess Sarah

Kung hindi mo pinanood si Sarah ay kawawa ka naman. Malamang lagi kang OP sa mga friends mo kasi hindi mo magets yung nilalaro nilang role playing at malamang laging ikaw si Becky. This story is about young Miss Sarah Crewe that was sent to Miss Minchin's boarding school, little did she know that what should've been a charmed life was actually not. In fact, impyerno. Naalala ko pa dati kapag inaapi ni Lavina si Sarah, pati ako naiinis. Pati nanay ko naiinis. Pati aso ng kapit bahay namin. With film adaptations of Sarah ang Munting Prinsesa and the continuing values it left on every filipino child, I can safely say that this is my Top Toon.

Sara Crewe

No comments:

Post a Comment

I am nowhere to be seen
but can be found in everything..
I cannot be heard
but forever remembered.